^

PM Sports

Magpa-practice na uli ang Gilas Pilipinas

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Balik-ensayo na agad ang Gilas Pilipinas ngayon, higit isang buwan pa bago sumabak sa krusyal na ikaanim at huling window ng 2019 International Basketball Federation (FIBA) World Cup Asian Qualifiers sa Pebrero.

Bukod sa naturalized player na si Andray Blatche, inaasahan ni head coach Yeng Guiao ang kumpletong attendance ng kanyang 14-man pool sa gaganaping pagsasanay mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

May tradisyon na 8-10 p.m. na training ang Gilas sa Meralco Gym sa Ortigas subalit iniusog ito ni Guiao upang magbigay daan sa gaganaping 25th Philippine Basketball Association (PBA) Press Corps ngayon sa Novotel Araneta Center kung saan isa siyang awardee gayundin ang ibang manlalaro ng pambansang koponan.

Inaabangan ang five-time Most Valuable Player na si June Mar Fajardo ang gumiya sa ensayo ng koponan kasama sina Japeth Aguilar, Gabe Norwood, Jayson Castro at Paul Lee.

Inaasahan ding dadalo sina Roger Pogoy, Mark Barroca, John Paul Erram, Marcio Lassiter, Scottie Thompson at back up naturalized player na si Christian Standhardinger.

Dalawa naman sa Gilas training pool ang kuwestiyonable pa sa katauhan nina Troy Rosario at Raymond Almazan.

Magugunitang sa offseason ay nadale ng nose injury si Rosario habang nagtamo ng sprained left ankle si Almazan nito lamang Martes.

“There’s some issues we have to settle. First is the injury to Raymond. We have to know exactly what his medical situation is, including si Troy,” ani Guiao. “We have to determine if they can make it kasi if hindi, baka kailangan mag-isip kami ng kapalit.”

Bunsod ng injury ni Rosario, nauna nang sinabi ni Guiao na posibleng ipalit si Matthew Wright na bahagi ng orihinal na 20-man pool ng Gilas noong nakaraang window. Kung hindi pa rin makakalaro si Rosario, gayundin si Almazan ay pag-uusapan ng coaching staff at ng Samahang Basketbol ng Pilipinas kung papalitan na ang mga ito.

“We will discuss those things today,” aniya. “Oo naman, pwede naman magpalit, that’s totally up to us.”

Sa Pebrero 1 naman inaasahang dumating si Blatche na kasalukuyan pang may kontrata sa Tianjin sa Chinese Basketball Association (CBA).

Umaasa naman si Guiao na pagdating ni Blatche ay nasa kundisyon na siyang maging malaking tulong sa paghahanda ng koponan kontra sa Qatar at Kazakhstan sa Pebrero 21 at 24, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with