Ang dumadagundong na dunk ni DeMarcus Cousins ng Warriors.
Cousins ipinarada ng Warriors; pinabagsak ang L.A. Clippers
(Pang-masa) - January 20, 2019 - 12:00am

LOS ANGELES -- Ipinarada ng Golden State Warriors si All-Star center DeMarcus Cousins.

 

Umiskor si Cousins ng 14 points para sa kanyang debut, habang nagpakawala si Stephen Curry ng 28 markers para gibain ng bisitang Warriors ang Clippers, 112-94.

Ito ang ikaanim na sunod na panalo ng Golden State at ikaanim sa kanilang road trip.

Nagtala si Cousins, halos isang taon hindi naka­laro dahil sa injury, ng 5-for-11 fieldgoal shooting at nagdagdag ng 6 rebounds at 3 assists sa unang laro niya matapos noong Enero 26, 2018 nang mag­­karoon siya ng ruptured left Achilles tendon ha­bang naglalaro para sa New Orleans Pelicans.

Kinuha siya ng Warriors noong Hulyo.

“It felt great to be out there; It’s been a long journey,” sabi ni Cousins, na-foul out sa una niyang 15 minuto sa laro.

“A lot of ups and downs, a lot of dark days, a lot of good days but this is where my love and passion is so I’m just happy to be out here on the floor and out here with my teammates,” dagdag pa nito.

Nagdagdag si Kevin Durant ng 24 points, habang may 12 markers si Klay Thompson para sa Golden State.

Pinamunuan naman ni Tobias Harris ang Los Angeles mula sa kanyang 28 points kasunod ang 24 markers ni Shai Gilgeous-Alexander.

Sa Portland, bumitaw si Damian Lillard ng 22 points at 8 assists para banderahan ang Trail Blazers sa 128-112 pananaig laban sa Pelicans.

Nag-ambag naman sina CJ McCollum at reserve forward Jake Layman ng tig-20 points para sa panalo ng Portland.

Humataw si Anthony Davis ng 27 points at 7 rebounds sa panig ng New Orleans kasunod ang 20 at 19 markers nina Jrue Holiday at Julius Randle, ayon sa pagkakasunod.

Sa Detroit, nagpasabog si Blake Griffin ng 32 points at 11 rebounds at nalampasan ng Pistons ang maagang pagkawala ni Andre Drummond dahil sa injury para talunin ang Miami Heat, 98-93.

Humataw si Luke Kennard ng 22 points para sa Pistons, samantalang may 19 markers si Reggie Bullock.

Pinamunuan ni Dwyane Wade ang Heat mula sa kanyang 20 points, ngunit naimintis ang off-balance 3-pointer sa dulo ng final period na natabla sana sa kanila.

Sa Salt Lake City, tumipa si Donovan Mitchell ng 24 points, habang humakot si Rudy Gobert ng 19 points at 15 rebounds para pamunuan ang Utah Jazz sa 115-99 paggupo sa Cleveland Cavaliers.

DEMARCUS COUSINS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with