^

PM Sports

Ava’s Dream patok sa Race 3

Pang-masa

MANILA, Philippines — Lamang na lamang sa ikatlong karera na magaganap mamaya ang tambalang Ava’s Dream at jockey JPA Guce na lalaban sa grupong “Condition Race 15” sa pista ng Sta Ana Saddle and Clubs na nasa bayan ng Naic Cavite.

 

Galing ito sa impresibong panalo sa naganap na “23rd Marho Breeders Championship 3yo Colt & Filly Mile” noong November 4, 2018 kung saan tinalo nito ang mga bigating kalaban na Shadow of the Sun at Speedmatic.

Bandera sa nasabing karera ang Speedmatic bago kinuha ng Ava’s Dream ang unahan pagsapit sa medya milya pero pagdating sa huling kurbada ay nagparemate naman ang Shadow of the Sun.

Nagkaroon ng matinding bakbakan sa rektahan dahil sa bumabalik ang Speedmatic sa tabing balya pero paglagpas ng last 100 meters ay inilabas ng Ava’s Dream ang nakatago ng lakas para lumayo at manalo pa ng may apat na katawang agwat.

Nakagawa rin ng impresibong panalo ang kabayong Ava’s Dream noong October 24 ng taong 2018 kung saan nanalo ito sa nasabing karera na lagpas sa sampung katawan ang agwat sa nasegundong Great Britain.

Makakalaban nito sa distansyang 1,300m ang Love Affair ni jockey CV Garganta, King’s Reward ni jockey JO Siego, Gee’s Prize ni jockey JL Lazaro, Certain to Win ni jockey CP Henson at  Seni Seviyorum ni jockey AR Manabat.

Ang Certain to Win lang ang medyo may pangil sa mga makakalaban pero talagang angat pa rin sa pruwebang ginagawa at mas mataas na grupo ang nilalaban ng Ava’s Dream kaya naman matibay na panolo  ito sa nasabing karera at pandiin sa mga exotic betting option. Vince Palos Nuguid

vuukle comment

JPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with