^

PM Sports

Malayo ang nilakbay ng Zamboanga Valientes

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Malayo man ang Zamboanga City sa Maynila, balewala ito sa Zamboanga Valientes na naglakbay para lamangmairepresenta ang Mindanao sa kauna-una-hang Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 national league na suportado rin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Pambato ng Katimugan ng Pilipinas, ang Zamboanga, ang pinakamalayong siyudad na sumali sa makasaysayang kumpetisyon kasama ang iba pang city-based squads na Manila, Quezon City, San Juan, Marikina, Pasig, Valenzuela, Bulacan, Bataan, Bacoor, Vigan at Cebu.

“Mahirap po ang laro doon, mahirap ang basketball. Mahirap mag-improve,” anang pambato ng Zambao-nga na si Das Esa.

“Dito, iba. Iba ang experience. Mala-laking liga, malalaking kalaban. Kami panay maliit lang. Iba ‘yung feeling na makalaro dito. Malaking karangalan.”

Sa kabutihang palad, mas higit pa kaysa sa purong basketball skills lamang ang bagahe ng Zamboanga patungo sa Maynila dahil dala-dala nila ang mas malalaking puso kalakip ng malalim na kultura at mataas na pangarap na aasahan nilang maging sapat na lamang kontra sa mga karibal.

“Madadala ko dito ‘yung pusong lumalaban. ‘Yung tibay ng loob. ‘Yung magsikap sa mga pangarap. ‘Yung tiya-ga,” dagdag ni Esa na nabansagang ‘Tausug Hero’ buhat nang madiskubre lamang sa Zamboanga kamakailan.

Tubong Jolo, dumayo si Esa sa Zamboanga City upang patalasin ang kaalaman sa basketball hanggang umangat sa hindi inaasahang kabayanihan nang pagharian ang Ramadan Cup bunsod ng kanyang game winner tungo sa pagsungkit ng Finals MVP.

“Siya ang nagpanalo doon sa Ramadan Cup. Simula noon, tuwing Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) homegame namin sa Zamboanga, full house at ang sinisigaw ang pangalan niya,” ani team owner Junnie Navarro na umaasang mapapasikat ang susunod na Zambo pride tulad nina Rhayyan Amsali ng San Beda, Mark Barroca, RR Garcia at Mike Tolomia ng PBA.

vuukle comment

SAMAHANG BASKETBOL NG PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with