^

PM Sports

Milo Marathon Finals sa Linggo sa Laoag

Pang-masa

MANILA, Philippines — Magtatapos ang 42nd season ng National Milo Marathon (NMM) sa pag­daraos ng National Fi­nals sa Laoag City sa Linggo.

Tinatayang 12,000 runners sa iba’t age groups at race categories – 3K, 5K, 10K, 21K at 42K National Finals ang makikibahagi sa karera na magsisimula at magtatapos sa Laoag Centennial Arena kung saan kasama ang 800 elite runners na nag-qualify mula sa iba’t ibang regional legs.

Sa season na ito, ipinakita ng National Milo Marathon na maraming matututunan sa event na ito sa temang “Magsama-sama, Tumakbo, Matuto” para magkaroon ng disi­plina, determinasyon at pa­tuloy na pakikibaka sa bu­hay.

Ang karera ay bahagi ng selebrasyon ng Provincial bicentennial anniversary.

Ang mananalo sa 42K event ay tatangha­ling Milo Marathon King at Queen na parehong makakatanggap ng tropeo at premyo bukod pa sa tsansang lumaban sa isang international race sa 2019 tulad ng iniha­yag ng Philippine Athle­tics Track and Field Asso­ciation (PATAFA).

Bukod pa rito, ang Mi­lo Marathon King and Queen ang mga magiging runners to beat na mga as­piring contenders para sa 2019 SEA Games na iho-host ng Pinas.

vuukle comment

MARATHON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with