Desiderio may ipaglalaban

Si veteran point guard Paul Desiderio ang magiging sandata ng UP Fighting Maroons.

MANILA, Philippines — Hindi lang kampeonato ang nakataya para kay University of the Philippines star Paul Desiderio sa duwelo nila ng Ateneo De Manila University para sa UAAP) Season 81 men’s basketball finals.

Ito ay dahil lalaban din si Desiderio para sa kanyang kinabukasan matapos pangakuan ni sports patron Ronald Mascariñas ng Chooks-to-Go.

Bilang produkto rin ng UP sa Biñan, Laguna, hi­namon ni Mascariñas si Desiderio na sungkitin ang UAAP title para sa Fighting Maroons kapalit ng pagkakaroon ng lifetime na Chooks-To-Go outlet.

Imbes na tingnan bilang hamon, ikinukunsidera ito ni Desiderio bilang inspirasyon lalo’t pareho silang nagsimula bilang probinsyano bago sumugal ng kapalaran sa Maynila.

 

Show comments