Manny bumalik na kay Roach
MANILA, Philippines — Sa kabila ng paglalaglag kay Freddie Roach bilang chief trainer ay hindi pa rin tinatapos ni Manny Pacquiao ang kanilang relasyon ng kanyang long time chief trainer.
Ang Hall of Fame trainer ang tatayong training supervisor ni Pacquiao para sa paghahanda kay American Adrien Broner sa kanilang championship fight sa Enero 19 sa MGM Grand.
Muling magsasama sina Roach at Filipino trainer Buboy Fernandez sa training camp ni Pac-quiao sa Maynila at sa General Santos City.
“Me and Freddie, we have a good relationship since 2001,” wika ni Pacquiao kay Roach. “We don’t have problems in terms of training, sharing our knowledge about strategy, techniques in training. We don’t have problems with that.”
Matatandaang hindi na kinausap ni Pacquiao si Roach matapos makalasap ng isang unanimous decision loss sa mga kamay ni Australian Jeff Horn noong Hulyo ng 2017 kung saan naisuko ng Filipino boxing icon ang suot na World Boxing Organization welterwight crown sa Brisbane, Australia.
Ito ay dahil sa opinyon ni Roach na hindi ka-yang pagsabayin ni Pacquiao ang pagiging boksingero at Senador na isa sa mga dahilan ng kabiguan ng Filipino boxing icon kay Horn.
Sa kanyang seventh-round TKO win laban kay Lucas Matthysse ng Argentina noong Hulyo sa Kuala Lumpur, Malaysia ay si Fernandez ang kinuhang chief trainer ni Pacquiao.
Sa kabila ng pang-iisnab sa kanya ni Pacquiao ay sinabi ni Roach na bukas pa rin ang kanyang pintuan para sa muli niyang paggabay kay ‘Pacman’.
“My plan, my thinking is he can use Buboy to do mitts in training, supervise and watch the training, like that,” ani Pacquiao. “He (Roach) can rest and just watch the training, and instruct the training, strategy-wise, advise some techniques like that. Because Buboy, he knows what Freddie wants.”
Unang ginabayan ni Roach noong 2011, hinirang si Pacquiao bilang tanging boksingerong nagkampeon sa walong magkakaibang weight divisions.
- Latest