Red Lions hangad ma-sweep ang serye

Si Pirates’ superstar CJ Perez sa kanyang salaksak laban kay Red Lions’ pride Robert Bolick.

Pirates, Perez hihirit ng game three

MANILA, Philippines — Sa pagbabalik ni CJ Pe­rez ay inaasahan ang res­bak ng Lyceum Pirates laban sa nagdedepensang San Beda Red Lions sa ka­nilang muling pagha­ha­rap sa Game Two ng best-of-three championship series ng Season 94 NCAA men’s basketball tour­nament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nabigo ang Pirates sa Game One, 73-60, noong Nobyembre 6 dahil sa one-game suspension ng 2017 MVP awardee na si Perez dahil hindi siya nag­paalam sa NCAA Ma­nagement Committee sa kanyang pagsumite sa ap­plication sa 2018 PBA Rookie Draft sa susunod na buwan.

Dahil wala ang No. 1 shooter ng Pirates ay uma­bot pa sa malaking 25 puntos ang bentahe ng Red Lions, 68-43, bago naibaba nina import Mike Nzeusseu at Jaycee Marcelino sa sampu lamang, 58-68, sa huling 1:38 mi­nuto ng laro.

“We’re excited to have him (CJ Perez) back. It’s good to see him play again for us,” ayon kay LPU coach Topex Ro­binson.

Muling maghaharap ang Red Lions at Pirates ngayong alas-4 ng hapon, habang asam din ng nagdedepensang SB-LSGH Greenies na angkinin ang ikalawang sunod na ko­rona sa pagsagupa sa Ma­pua Red Robins sa alas-2 sa Finals ng junior’s division.

Nagwagi rin ang Gree­nies laban sa Red Ro­bins, 74-69, sa Game One noong Nobyembre 6.

Hangad naman ng 21-time champions na Red Lions na sungkitin na ang kanilang ikatlong sunod na titulo sa pangunguna nina pro-bound Robert Bolick na umiskor ng 12 points, 9 rebounds at 1 assist sa Game One at si Javee Mocon na umani ng 14 markers mula sa 5-of-9 fieldgoal shooting.

Bukod kina Bolick at Mocon, sasandal din si coach Boyet Fernandez kina Cameroonian im­port Donald Tankoua na tumulong din ng 10 points at 15 rebounds  at Fil-Canadian na si James Canlas.

Tiyak ding hahataw ang Marcelino twins na si­na Jaycee at Jayvee ka­tuwang sina Jesper Aya­ay at Nzeusseu para sa Pi­rates ni Robinson.

“They’re a different LPU team without CJ (Pe­rez) but we are real­ly prepared against CJ Pe­rez and we’ll see what hap­pens,” sabi ni Fernan­dez.

Show comments