Bolts binalasa ang Aces sa Game One

MANILA, Philippines — Sa pang-pitong sunod na pagkakataon ay na­i­panalo ng Bolts ang ka­nilang ‘do-or-die’ game.

Bagama’t naisuko ang itinayong 16-point lead sa second quarter ay hindi bumigay ang Meralco sa paghahabol ng Alaska sa fourth period para tangayin ang 97-92 panalo sa Game One ng kanilang se­mifinals series para sa 2018 PBA Governor’s Cup kagabi sa Ynares Cen­ter sa Antipolo City.

Humataw si 2017 PBA Rookie of the Year Chris Newsome ng 16 points, 7 rebounds at 4 assists para ibigay sa Bolts ang 1-0 bentahe sa kanilang best-of-five se­mis showdown ng Aces.

Samantala, wala namang iba pang dapat ga­win ang nag­de­de­pensang Barangay Gi­ne­bra kundi ang buma­ngon mu­la sa kabi­guan sa Mag­nolia sa Game One noong Sabado.

“They played the game they wanted to play. We played their game, so we got to be better,” sabi ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone matapos ang 98-106 pag­yukod ng Gin Kings sa Hotshots.

Pipilitin ng Ginebra na makatabla sa Magno­lia sa Game Two nga­yong alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sa nasabing kabiguan ng Gin Kings sa series ope­­ner ay tumapos si im­­port Justin Brownlee na may 37 points, 14 rebounds at 8 assists, ha­bang nagdagdag sina Japeth Aguilar at seven-foot center Greg Slaughter ng 18 at 8 markers, ayon sa pagkakasunod.

Sina import Romeo Tra­vis at combo guard Paul Lee ang nagdala sa Magnolia sa panalo.

Humakot si Travis ng 37 points, 16 boards at 5 assists, habang nagdagdag si Lee ng 27 markers.

“Knowing coach Tim, a many-time champion coach, the winningest coach, he knows kung ano ang mga adjustments na gagawin,” ani Hot­shots mentor Chito Victo­lero sa eksperyensa ni Cone.

Show comments