^
Philadelphia lusot sa Charlotte
Nailusot ni Joel Imbiid ng Philadelphia ang basket laban kay Nicolas Batum ng Charlotte.

Philadelphia lusot sa Charlotte

(Pang-masa) - November 11, 2018 - 12:00am

PHILADELPHIA — Kumolekta si star center Joel Embiid ng 16 sa kanyang 42 points sa fourth quarter at kumalawit ng 18 rebounds para banderahan ang 76ers sa 133-132 overtime victory laban sa bisitang Charlotte Hornets.

Nakabangon ang Hornets buhat sa 21-point deficit at kinuha ang five-point lead sa huling 1:18 minuto sa regulation bago naipuwersa ng Sixers ang extra period.

Humugot si guard Kemba Walker ng 19 sa kanyang 30 points sa fourth quarter para sa Charlotte.

Kumonekta si Embiid ng panablang three-point shot sa huling 34.4 segundo para dalhin ang Philadelphia, nakakuha kay Ben Simmons ng 22 markers, 13 assists at 8 boards, sa extension.

Sa Sacramento, tumipa si Willie Cauley-Stein ng 25 points habang umiskor ng walong sunod na puntos si Nemanja Bjelica sa kanilang pananalasa sa third quarter para pamunuan ang Kings sa 121-110 panalo laban sa bisitang Minnesota Timberwolves.

Diniskaril din ng Sacramento ang malaking produksyon ni Karl-Anthony Towns para sa bumubulusok na Minnesota.

Nagdagdag si De’-Aaron Fox ng 16 points at 10 assists para sa Kings, samantalang nagdagdag sina Iman Shumpert at Bjelica ng 17at 14 markers.

Sa Denver, kumonekta si Caris LeVert ng isang floater sa huling 0.3 segundo para iligtas ang Brooklyn Nets laban sa Denver Nuggets, 112-110.

Sa Salt Lake City, di-nuplikahan ni Joe Ingles ang kanyang career high na 27 points at nagdagdag ng season-high na 7 assists para igiya ang Utah Jazz sa 123-115 panalo kontra sa bisitang Boston Celtics.

Sa kanyang pagbabalik sa Utah ay nagtala si Gordon Hayward ng 13 points at 7 assists matapos iwanan ang Jazz matapos ang 2016-17 season. Nagkaroon siya ng left ankle injury sa season opener para sa Boston.

Kumamada si Terry Rozier ng 22 points kasunod ang 21 markers ni Jayson Tatum sa panig ng Celtics, naisuko ang ikatlo sa kanilang huling apat na laro.

 

CHARLOTTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with