^

PM Sports

Blue Eagles hangad masolo ang liderato

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Target ng Ateneo Blue Eagles ang solo liderato sa pagharap laban sa UE Red Warriors habang hangad naman ng FEU Tamaraws ang solo third spot sa pakikipagtagpo sa UP Fighting Maroons ngayon sa pagpapatuloy ng Season 81 UAAP basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Tangan ang 7-2 win-loss kartada, muling aangat ang nagdedepensang Blue Eagles sa solo top spot kung magwawagi laban sa Red Warriors sa alas-2 ng hapong sagupaan na susundan agad ng laban ng Tamaraws (5-4) at Fighting Maroons (4-5) sa alas-4 ng hapon.

Inaasahan din ang muling paghataw ng rookie na si Angelo Kouame laban sa nangungulelat na Red Warriors na ang tanging panalo pa lamang ay sa FEU Tamaraws, 90-65 noong Sept. 30.

Ang 6’10 Ivorian na si Kouame ay umarangkada ng 33 puntos at 27 rebounds sa 82-62 panalo ng Blue Eagles kontra sa FEU noong Sabado kung saan nagtala rin si Anton Asistio ng 15 puntos at tatlong assists para makisosyo sa liderato kasama ang Adamson Soaring Falcons (7-2).

Kahit wala sina Thirdy Ravena at ang Nieto twins na sina Matt at Mike, sapat na ang double-digits production nina Kouame at Asistio upang makaganti sa kanilang 60-63 pagkatalo sa FEU sa first round ng elims noong Oct. 10.

Ang 33-27 tally ni Kouame ay ang unang 30-20 game ng UAAP simula noong 2008 mula kay Rabeh Al-Hussaini na nagtala ng 33 puntos at 20 rebounds sa pagkabigo ng Ateneo sa Tamaraws, mahigit sampung taon na ang nakalipas.

“We’re very happy with his development and we’d like to think of it that he’ll still continue to improve. That’s the mentality of coach Tab [Baldwin] - kung anong talents niya, he will continue to improve it and he will continue teaching,” sabi ni Ateneo assistant coach Sandy Arespacochaga.

Sa una nilang pagtatagpo, tinambakan din ng Blue Eagles ang Red Warriors, 89-62 noong Sept. 26 habang nagwagi naman ang FEU kontra sa UP, 89-73 sa first round ng elimination noong Sept. 23.

vuukle comment

UAAP BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with