Maroons at Bulldogs nagpalakas ng tsansa

Kahit napaupo ay naghanap pa rin ng mapapasahan si Issa Seny Gaye ng Bulldogs laban kay Enrique Caunan ng Tigers.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Nagtala ng triple-double si Juan Gomez de Liaño para iangat ang Uni­versity of the Philippines sa 94-81 panalo kon­tra sa University of the East sa Season 81 UAAP men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Kumolekta si Juan GDL ng 15 points, 12 re­bounds at 12 assists pa­ra maging ikatlong pla­yer na nagposte ng triple-double sa UAAP sa loob ng 15 taon.

Ang iba ay sina LA Te­norio at Marvin Cruz.

Mula sa 63-60 benta­he ay biglang humataw si­na Paul Desiderio, Bright Akhuetie at Juan Gomez de Liaño ng 24-11 run para iposte ang 87-71 kalamangan.

Lumobo pa ito sa 91-71 mula sa follow-up ni Akhuetie sa huling 1:36 minuto upang makisos­yo sa UST Tigers sa pang-limang puwesto sa pa­rehong 4-5 record.

Ang Red Warriors ay nanatili sa ilalim ng stan­­dings na 1-8 card.

Bukod kay Juan GDL, tumulong din ng ca­reer-high na 28 points, 13 rebounds, 2 assists at 3 steals si Akhuetie, habang may 16 markers na­­man si Desiderio.

Sa iba pang laro, umis­­kor si rookie Dave Il­defonso ng pito sa hu­ling 11 points ng Natio­nal University Bulldogs upang itakas ang 69-61 panalo kontra sa Uni­ver­sity of Santo Tomas Growling Tigers at uma­ngat sa 3-6 kartada.

Tumapos ang anak ni dating PBA two-time MVP Danny Ildefon­so na may 16 points, 4 rebounds, 3 assists at 1 steal para manatiling bu­­hay ang pag-asang pu­­masok sa Final Four.

“It’s not me. It’s just 16 players responding right now and the two here are the ones who shone the brightest,” sa­bi ni head coach Jamike Ja­rin sa kanyang NU.

Show comments