Castro ‘di tiyak kung tatapikin laban sa SMB

MANILA, Philippines – Game-time decision pa rin ang status ni Jasyon Castro kung isasalang ng TNT Katropa kontra sa San Miguel sa 2018 PBA Governor’s Cup sa Calasiao Sports Complex sa Calasiao, Pangasinan.

“Not sure pa (kung lalaro na) si Jayson,” wika ni coach Bong Ravena kay Castro.

Ayon kay Ravena, ito ay sa kabila ng pagsasa­nay na ni Castro simula no­ong nakaraang Linggo matapos makarekober sa kanyang bone spur remo­val surgery.

“Sumasama na siya sa practice. He’s with  us here in Calasiao,” dagdag pa ni Ravena.

Noong nakaraang bu­wan ay sumailalim si Castro sa operasyon para tanggalin ang bone spur sa kanyang kanang paa.

Nagrehistro ng 15.7 points, 4.0 rebounds at 4.33 assists, hindi nakita si Castro sa dalawang la­ro ng Tropang Texters.

Sa kabila ng kanyang pagkawala ay nakagawa ng paraan ang TNT Ka­tropa na manaig pa rin bun­­sod ng three-game winning streak para uma­ngat sa 4-4 baraha mula sa 1-4 simula.

At bagama’t wala pang kasiguraduhan kung makakalaro na siya ay so­­lido pa rin naman ang masasandalang line-up ng Tropang Texters sa pa­ngunguna ng dating Best Import na si Marque Blakely, Terrence Romeo, Troy Rosario at Ro­ger Pogoy.

 

 

Show comments