^

PM Sports

Malinis na rekord itataya ng BanKo

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Itataya ng BanKo Perlas ang malinis na rekord nito laban sa paboritong Creamline sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League Season 2 Open Conference ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.

Nakatakda ang ina-abangang salpukan ng Perlas Spikers at Cool Smashers sa alas-6 ng gabi matapos ang bakbakan ng Ateneo de Manila University at Tacloban sa alas-2.

Namamayagpag ang BanKo Perlas tangan ang imakuladang 5-0 kung saan nagtala ito ng sweep kontra sa Lady Eagles at pare-parehong 3-1 panalo laban sa Iriga-Navy Lady Oragons, PetroGazz Angels, Adamson-Akari Lady Falcons at Tacloban Fighting Warays.

Partikular na aasahan ng Perlas Spikers si Dzi Gervacio na may average na 18.5 points sa kabilang dalawang huling laro.

Malalim ang bench ng BanKo Perlas dahil nariyan sina UP stalwarts Nicole Tiamzon at Kathy Bersola, Adamson standouts Amanda Villanueva at Joy Dacoron at setters Jem Ferrer at Fenela Emnas na nagsasalitan ng playmaking duties.

Ngunit haharap ang Perlas Spikers sa Cool Smashers na nakasakay din sa four-game winning streak kabilang ang five-set win sa three-time PVL champion Pocari-Air Force.

Kasalukuyang nasa No. 2 ang Cool Smashers kasalo ang Lady Eagles hawak ang magkatulad na 4-1 marka.

Numero uno ang Creamline sa spiking hawak ang 35.09 percent success.

Nangunguna sa attack line si Alyssa Valdez na siyang pangunahing pinagkukunan ng puntos ng Cool Smashers.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with