^

PM Sports

Laban ni Pacquiao kay Mayweather hindi pa sigurado

Russell Cadayona - Pang-masa
Laban ni Pacquiao kay Mayweather hindi pa sigurado
Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr.

MANILA, Philippines — Hindi pa maaaring magdiwang ang mga nag-aabang sa rematch nina Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao at American superstar Floyd Mayweather, Jr.

Plano ng 41-anyos na si Maywea-ther na magtakda ng isang tune-up fight sa Tokyo, Japan sa Disyembre bago muling labanan ang 39-anyos na si Pacquiao sa susunod na taon.

“I know everybody’s heard about the Mayweather-Pacquiao fight, but before the Mayweather-Pacquiao rematch, I will be back in Tokyo for a huge boxing event. Stay tuned,” sabi ni Mayweather sa isang video sa TMZ Sports.

Sinasabing gusto ni Mayweather na palakasin ang kanyang popularidad sa buong Asya kasabay ng paglulunsad ng kanyang clothing line at product endorsements kaya niya itatakda ang tune-up match sa Tokyo.

Huling lumaban si Mayweather noong Agosto ng 2017 kung saan niya tinalo si UFC superstar Conor McGregor via tenth-round TKO.

Sa kanilang pagkikita sa isang music festival sa Tokyo ay pinag-usapan nina Pacquiao (60-7-2, 39 KOs) at Mayweather (50-0-0, 27 KOs) ang kanilang rematch.

Sinabi ni Mayweather na aagawin niya kay Pacquiao ang suot nitong World Boxing Association welterweight crown na inagaw ni ‘Pacman’ kay Lucas Matthysse ng Argentina via seventh-round TKO noong Hulyo sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Plano ni Pacquiao na lumaban sa Dis-yembre na posible namang hindi masunod dahil sa ibang balak ni Mayweather, ang American world five-division titlist.

Sa kanilang unang pagtutuos noong Mayo ng 2015 ay tinalo ni Mayweather si Pacquiao sa pamamagitan ng isang unanimous decision victory kasunod ang pagdadahilan ng Filipino boxing icon na mayroon siyang right shoulder injury.

Ayon kay Mayweather, inaasahan niyang wala nang magiging dahilan si Pacquiao anuman ang maging resulta ng kanilang rematch.

vuukle comment

FLOYD MAYWEATHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with