^

PM Sports

‘Di pinaporma ng Adamson ang UE

Chris Co - Pang-masa
�Di pinaporma ng Adamson ang UE
Pinagtulungan si Papi Sarr ng Adamson nina Christopher Conner Allan Beltran at Alvin Pasaol ng UE.
Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Hindi hinayaan ng Adamson University na makaporma ang University of the East para dagitin nito ang impresibong 90-76 desisyon upang mapatatag ang kapit sa liderato ng UAAP Season 81 men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Halimaw si Sean Manganti nang kumana ito ng career-high na 27 na points tampok ang 22 sa second half kung saan nakapaglista ito ng 10-of-16 field goal shooting at 4-of-6 sa free throw area para tulungan ang Soaring Falcons na makuha ang ikalawang sunod na panalo.

Sa kabila ng 2-0 start, nagkibit-balikat lang si Adamson mentor Franz Pumaren dahil malayo pa aniya ang kanilang tatahakin bago maabot ang kanilang target.

“It’s still early. We’re here (2-0) because we worked hard for it. We just have to seize the moment, enjoy the moment. Here in the UAAP, last game doesn’t count, record doesn’t count. At any given time, every team can outdo the opposing team,” ani Pumaren.

Nakahugot ng sapat na tulong si Manganti mula kay Jerrick Ahanmisi na nagtala naman ng 17 markers at apat na boards gayundin kay Papi Sarr na umariba ng double-double na 15 points at 21 rebounds para sa Adamson.

Nag-ambag si Jason Strait ng 10 puntos at pitong rebounds at tigpito naman sina Allan Beltran, Jason Varilla at Wilson Bartolome para sa UE na bumagsak sa 0-2.

Nagtala ang Red Warriors ng 28-of-66 shooting – 14 dito galing kay Pa-saol habang ang nalalabing 14 ay mula sa lima pang miyembro ng koponan.

Sa ikalawang laro, naitakas ng De La Salle University ang 80-76 come-from-behind win laban sa National University upang umangat sa 1-1 baraha.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with