Alyssa Valdez bagong ‘klasmeyt nina Robi at Gretchen sa U-Town
(Pang-masa) - September 15, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bagong klasmeyt nina Robi Domingo at Gretchen Ho ang volleyball phenom na si Alyssa Valdez sa UAAP special ng ABS-CBN Sports na “University Town” (U-Town) na nasa ikatlong taon na magsisimula ngayon  sa ABS-CBN S+A at S+A HD sa ala-una ng hapon.

Sasamahan ng team captain ng Creamline Cool Smashers at pambato ng Philippine women’s volleyball team sina Gretchen at Robi sa paglilibot sa bawat eskuwelahan sa UAAP para tuklasin ang iba’t ibang kultura, kilalanin ang mga natatanging estudyante at mga nakamit na parangal ng bawat campus.

Una nilang bibisitahin ang Adamson University kung saan itatampok sa “Campus Guide” segment ang mga kainan, kaalaman at gawain ng isang Adamsonian. Bukod pa riyan, kikilalanin nila sa “Campus Lodi” si Katami Dimapunong, isang estudyante ng paaralan na nanguna sa buong unibersidad sa pagtulong sa mga biktima ng Marawi Siege.

Samantala, makiki-ensayo naman si Alyssa kasama ang UAAP Season 80 Cheerdance champion na Adamson Pep Squad sa “#Champions” segment ng “U-Town.” Ibibida rin ang alamat sa Adamson na si Kenneth Duremdes, na sumikat bilang manlalaro ng basketball sa propesyunal na liga.

Para sa karagdagang impormasyon, bumisita lamang sa online sports hub ng ABS-CBN Sports na sports.abs-cbn.com, at sundan ang social media accounts nila sa Facebook at Twitter (@ABSCBNSports).Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin angwww.abscbnpr.com.

 

 

U-TOWN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with