Severino No. 3 sa Malaysian Open

MANILA, Philippines — Nagpadala ang Pili­pi­nas ng isang Different­ly-abled chess team sa 2018 Malaysian Open bilang paghahanda para sa Asian Para Games sa Jakarta, Indonesia sa Ok­tubre.

Maganda naman ang ibinalik ng koponan.

Tinalo ni wheelchair-bound FIDE Master San­der Severino si FM Arif Abdul Hafiz ng In­donesia para puma­ngatlo sa blitz section ng nasabing nine-round tournament sa likod ng nagharing si Grand Mas­ter Susanto Megaran­to ng Indonesia at second placer na si untitled Filipino Merben Roque.

Ang 32-anyos na si Se­verino, may muscular dystrophy noong siya ay bata pa at na­ging multiple-gold medal win­ner sa ASEAN Para Games, ay tumabla kina FM Yoseph Theofilus Ta­her ng Indonesia at third seed GM Yuziang ng China.

Nasolo niya ang third place dahil sa pag­ka­karoon ng highest tiebreak.

Pumuwesto din ang mga teammate ni Seve­rino na sina Henry Lopez at Felix Anguilera at sina coaches James Infesto at FM Ro­el Abelhas.

Show comments