Nationals mahihirapan sa China
JAKARTA — Sa pagsabak ng Philippine basketball team kontra sa China, pamilyar na mukha ang makikita ng Fil-Am Cleveland Cavaliers na si Jordan Clarkson sa katauhan nina Houston Rockets center Zhou Qi at Ding Yanyuhang ng Dallas Mavericks.
Ang presensiya ni Clarkson ay hindi nangangahulugang kakayanin na ng Gilas na binubuo ng anim na core players ng Rain or Shine ngunit inaasahang malaking tulong siya para mabigyan ng magandang laban ang Asian basketball powerhouse na China.
Nakatakdang harapin ng Nationals ang China sa Martes sa alas-5 ng hapon (Manila time) at tangkang masundan ang 96-59 panalo sa kanilang opening game kontra sa Kazakhstan.
Bukod sa dalawang NBA player, nasa Chinese team din sina seven-foot second-string center Wang Zhelin, 6’9 third center Dong Hanlin, forwards Yu Changdong, Liu Zhixuan at guards Tian Yuxiang, Zhao Tailong, Sun Minghui, Fang Shao at Zhao Rui na nais ibangon ang China sa kanilang 5th place finish noong 2014 Korea Asiad.
“We have to admit they’re the favorite, but we may have cut a little of the odds with the addition of Jordan Clarkson,” ani Guiao.
- Latest