^

PM Sports

Clarkson ‘di aabot vs Kazakhstan

Mae Balbuena-Villena - Pang-masa
Clarkson �di aabot vs Kazakhstan
Si Jordan Clarkson bago ang kanyang flight papuntang Jakarta, Indonesia kasama ang trainer niya na si Demitrius O’Neal.
Photo credit kay Jhay Otamias

MANILA, Philippines — Opisyal nang pinayagang lumaro ang Cleveland Cavaliers Fil-Am player na si Jordan Clarkson ng NBA( National Basketball Association) para sa Pilipinas sa 18th Asian Games ngunit hindi siya aabot sa laro ng Phillippine Nationals ngayong umaga.

Bubuksan ng Philippine Basketball team ni coach Yeng Guiao ang kampanya ng Pilipinas sa 18th Asian Games team ngayong alas 10:00 ng umaga sa Bas­ket­ball Hall ng Gelora Bung Karno Sports Complex sa Jakarta pero sa Sabado pa gagawin ang ope­ning ce­remonies.

Binigyan ng one-time exception si Clarkson na lumaro para sa Pinas sa Asian Games na hindi kasama sa kasunduan ng FIBA at NBA kung saan puwedeng lumaro ang mga players sa kanilang mga home countries.

Ayon sa ulat, hindi na aabot sa game si Clarkson dahil alas-10 pa ng umaga ito makakarating sa Singapore diretso ng Jakarta.

Pero abot na abot siya para sa opening ceremonies sa Sabado kung saan siya ang magiging flag bearer ng 272-man Philippine delegation sa traditional parade of teams.

One time exception din ang ibinigay kina Zhou Qi ng Houston Rockets at at Ding Yanyuhang ng Dallas Mavericks para makalaro sa China.

“After continued communication between the SBP and the NBA over the past few days, we were able to come together to pave the way for Jordan Clarkson to represent the Philippines in the 2018 Asian Games. The SBP and the NBA have a longstanding relationship of working together to grow the game of basketball in the Philippines and we share in the excitement of fans across the country and wish Gi­las Pilipinas the very best in Indonesia,” ayon sa joint statement ng SBP at NBA.

Samantala, sa grupong dapat na kinaaniban ng Gi­las Pilipinas, nakakuha ng awtomatikong entry sa knockout stage ang Iran at Syria dahil sa last-minute withdrawal ng United Arab Emirates in Group B.

Seedings na lang ang paglalabanan ng Iran at Sy-ria para sa KO round seedings sa August 25.

Kasama dapat ng Philippines ang Iran, Syria at UAE sa Group B ngunit inilipat sa mabigat na grupo ng China at Kazakhstan matapos umatras ang Palestine.

Ilang beses nang nagharap ang Philippines at Ka­zakhstan ang huli ay sa Incheon Asiad kung saan na­nalo ang Nationals sa 67-65 na naging kontrobersiyal dahil na-shoot ng mga Pinoy ang bola sa goal ng kalaban sa endgame.

vuukle comment

JORDAN CLARKSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with