Jaylen Brown
Jaylen Brown tiwala sa Celtics
(Pang-masa) - August 11, 2018 - 12:00am

BOSTON -- Naglalaro man o hindi si LeBron James sa kinaaaniban nilang Eastern Conference ay naniniwala pa rin si Jaylen Brown na makakapasok ang Celtics sa NBA Finals ngayong season.

“Oh, we’re getting to the Finals. No question about it,” sabi ni Brown ilang buwan matapos mabigo ang Celtics sa kanilang Eastern Conference title series ng Cleveland Cavaliers ni James.

Sa kabila ng paglipat ni James sa Western Conference para maglaro sa Los Angeles Lakers ay kumpiyansa pa rin si Brown na makakapasok ang Celtics sa NBA Finals ngayong season kahit na nanatli si James sa East.

“I hate how everybody is like, ‘Oh, LeBron’s gone in the East.’ I know he did have a strong hold on the East for the last seven years but he barely got us out of there this year. And our mindset was like, ‘Man, he’s not beating us again,’” wika ni Brown.

Magbabalik para sa Boston sina injured stars Gordon Hayward at Kyrie Irving bukod pa ang pagsikat ni Brown, nagtala ng mga averages na 18 points, 4.8 boards, 1.4 assists at 0.8 steals sa NBA playoffs sa nakalipas na season.

JAYLEN BROWN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with