^

PM Sports

Lyceum 3-0 na

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines – Maagang rumagasa ang Lyceum Pirates para tambakan ang Jose Rizal University Heavy Bombers tu-ngo sa  88-56 panalo na nagtulak sa kanila sa ikatlong sunod panalo sa  94th NCAA basketball tournament  na nagpatuloy sa The Arena sa San Juan City.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras sina Mike Nzesseu, Jaycee Marcelino at CJ Perez na nagtulung-tulong para lumamang agad ng mahigit 22 puntos, 45-23 sa first half.

Mahigpit  ang  depensa ng Pirates kaya napilitan ang Heavy Bombers na gumawa ng 24 turnovers na nai-convert ng Lyceum sa puntos sa unang dalawang yugto pa lamang.

Mula roon ay wala ng magawa ang Mandalu-yong-based Bombers ni coach Vergel Meneses para naiwasan ang kanilang ikalawang sunod na talo at makasama ang EAC Generals sa ilalim ng standing sa parehong 0-2 card.

Sa iba pang laro, ayaw magpa-iwan ng College of St. Benilde Blazers at pinataob ang Mapua Cardinals, 90-79 upang pumasok sa win column matapos mabigo sa nakaraang laro.

Mabigat na 17-0 run ang binitiwan ng Bla-zers ni coach TY Tang sa loob ng limang minuto para umangat sa 88-71 bentahe, mahigit 1:44 na lamang ang natitira mula sa 71-71 tabla.

Umiskor si Yankie Haruna ng 19 puntos kabilang na ang walo sa malakas na rally habang si Justin Gutang ay may 17 at 13 naman mula kay Edward Dixon upang ipalasap sa Mapua ni coach Atoy Co ang unang talo sa dala-wang laro.

vuukle comment

LYCEUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with