San Beda, Mapua iisa ang pakay
Francisco Cagape (Pang-masa) - July 17, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kapwa target ng nagdedepensang San Beda Red Lions at Mapua Cardinals na mu-ling makisosyo sa liderato sa kanilang magkahiwalay na laban ngayon sa pagpapatuloy ng 94th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Hangad ng three-peat seeking Red Lions ang ikalawang sunod na panalo sa pakikipagtagpo sa Jose Rizal Heavy Bombers sa alas-4 ng hapon pagkatapos ng laro ng Mapua Cardinals at Letran Knights sa alas-2 ng hapon.

Sa iba pang seniors game, uumpisahan naman ng Arellano University Chiefs ang kanilang kampanya sa pagharap sa University of Perpetual Help Altas sa alas-12 ng tanghali.

Magtatapat naman ang Perpetual Help Altalettes at Arellano Braves sa alas-8 ng umaga at ang Letran Squires kontra sa Mapua Red Robins sa alas-10   habang ang SBC Red Cubs at JRU Light Bombers ay magtatagpo sa alas-6 ng gabi sa tatlong laro ng juniors division.

Kung kapwa magwawagi ang Red Lions at Cardinals ay aangat sila sa liderato kasama ang Lyceum Pirates na sa ngayon ay hawak na ang 2-0 win-loss kartada.

Ang unang panalo ng Red Lions ni coach Boyet Fernandez ay sa Perpetual Help Altas, 67-65 noong opening day noong Hulyo 7 kung saan umiskor si Robert Bolick ng 15 puntos at 14 naman mula kay Javee Mocon habang tumulong din ng 12 si Donald Tankuoa.

Sinabi ni coach Fernandez na para makuha ang ikalawang sunod na panalo, naka-focus sila ngayon sa kanilang game plan at pagbutihin ang kanilang shooting kung saan gumawa lamang sila ng 21-of-58 shooting laban sa Altas.

“We just devoted our practice last week to improve our shooting and execution of our game plan,” sabi ni Fernandez.

Sa panig naman ni JRU coach Vergel Meneses gusto nilang bumawi sa 60-72 talo sa Mapua sa kanilang homecourt mismo noong Hulyo 12 kaya tiyak ang mainit na pagtatagpo ng dalawang koponan.

Sasandal din si Mapua coach Atoy Co kina rookies Warren Bonifacio at Eric Jabel na produkto ng Mapua’s high school program na umani ng siyam na puntos habang si Bonifacio ay umiskor ng 10 sa panalo nila kontra sa JRU Bombers.

“I’ve recruited them because I know they are good and I expect to see more from them,” ayon naman kay Co.

BASKETBALL NCAA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with