‘Petron, F2 Logistics palaban

MANILA, Philippines — Matapos magharap sa championship, kapwa na-ngako ang Petron at F2 Logistics na mas magi-ging palaban sa Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference na magbubukas sa Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

Sinabi ni Blaze Spi-kers coach Shaq Delos Santos na pinaghandaan nilang mabuti ang ikalawang kumperensiya matapos makopo ang korona sa season-opening Grand Prix ng prestigious women’s club league na ito na suportado ng Isuzu, Sogo Hotel at UCPB Gen kasama ang ESPN5, Hyper at Aksyon TV bilang broadcast partners.

Nawala man sa Petron si Lindsay Stalzer, Kathe-rine Bell at Yuri Fukuda, nananatiling palaban ang koponan dahil kina Sisi Rondina, Bernadeth Pons at Buding Duremdes kasama ang bagong reacruit na si Ivana Agudo mula sa FEU.

Magbabalik naman sa Cargo Movers sina Kianna Dy, Dawn Macandili, Desiree Cheng at Tim Tiamzon na tutulungan nina Michelle Cobb, ang  chief playmaker ng UAAP champion na La Salle.

Show comments