^

PM Sports

Marinero tinambakan ang Batangas

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Marinero tinambakan ang Batangas
Si Trevis Jackson ng Marinero laban kay Christian Manalo ng Batangas-EAC.
PBA Image

MANILA, Philippines — Tila sinakluban ng langit ang Batangas-Emilio Aguinaldo College nang ibaon ng Marinerong Pilipino, 106-64 kahapon sa 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Developmental League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Hindi man lang pinagpawisan ang Skippers nang tambakan agad ang Gene-rals, 55-30 sa first half palang at hindi bumitiw sa manibela ang Marinero buhat noon tungo sa malaking 42-puntos na tagumpay.

Kumbinsidong paghihiganti ito ng Skippers mula sa 71-88 na kabiguan sa kamay ng Centro Escolar University noong nakaraang linggo.

Bunsod nito, umangat ang kartada nila sa 2-1 dalawang laro na lang ang nalalabi sa first round ng eliminasyon.

Pinangunahan ng mga bagong gwardiya ni coach Koi Banal na sina Robbie Manalang at Trevis Jackson ang balanseng atake ng Skippers.

Pumukol ng apat na tres tungo sa 20 puntos si Manalang habang may kumpletong 19 puntos, apat na rebounds at apat na assists naman si Jackson.

Sumuporta naman sa kanila ang tigasing frontcourt ng Marinero na binubuo nina Jorey Napoles, Abu Tratter at Juan Gomez De Liaño na nagkapit-bisig sa 30 puntos at 36 rebounds.

“Thankful ako na they responded to the challenge after that horrible second half against CEU?” ani Banal.

Sa kabilang banda, nauwi naman sa wala ang 19 puntos at limang rebounds ni Cedric De Joya para sa Generals na bigong masundan ang 96-90 panalo nila kontra sa Scorpions noong nakaraan.

Bumagsak sila sa 1-2 baraha.

Samantala, sa isa pang laro ay nakabawi rin agad ang CEU Scorpions mula sa pagkatalo sa Generals nang sipitin ang wala pa ring panalong AMA Online Education, 96-85.

Kumayod ng 25 at 18 puntos sina Rondil Fuentes at Pierce Chan, ayon sa pagkakasunod para sa CEU na umangat sa 2-2 marka.

Hindi naman sumapat ang 21 puntos ng nagbabalik na si Andre Paras gayundin ang 16 puntos ng top draftee na si Owen Graham para sa Titans na nabaon sa 0-4.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with