Bilib si Donovan Mitchell sa mga Pinoy

MANILA, Philippines — Hindi makapaniwala si Utah Jazz rookie sensation Donovan Mitchell sa suporta ng Filipino fans matapos ang kanyang kauna-unahang pagbisita sa bansa kahapon.

Bilang sukli ay binusog ng 21-anyos na si Mitchell ang kanyang mga taga-suporta sa sangkatutak na events na kinatampukan ng press conference sa local media at meet and greet sa National Basketball Association (NBA) fans sa Adidas Store sa Bonifacio Global City sa Taguig kahapon.

Sinamahan si Mitchell ng mga Adidas ambassadors na sina Chris Tiu, Kobe Paras at Bright Akhuetie sa naturang press conference.

Matapos ito ay nagdaos din siya ng basketball clinic at fund-raising three-point shootout competition sa Taft Food by the Court sa Pasay City bago winakasan ang kanyang one-day Manila visit sa panonood ng ‘Manila Clasico’ sa pagitan ng Ginebra at Magnolia sa 2018 PBA Commissioner’s Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

“It’s awesome. I can’t believe it so shoutout to all the fans out there,” ani Mitchell na inabangan ng kanyang mga fans simula palang ng alas-2 ng madaling araw.

Napili bilang ika-13 na overall pick sa ginanap na 2017 NBA Rookie Draft, binulaga ni Mitchell ang buong NBA nang magrehistro ng 20.5 puntos, 3.7 rebounds at 3.7 assists upang buhatin sa ikalimang puwesto sa Western Conference ang Utah sa likod ng pambihirang 48-34 kartada.

Pinagpatuloy ni Mitchell ang paghahasik sa playoffs nang magtala ng rekord bilang pinakamaraming naiskor na puntos mula sa isang rookie nang silatin ng Jazz ang paboritong Oklahoma City Thunder, 4-2 sa West first round bago nga yumukod sa top seed na Houston Rockets, 1-4 sa West semi-finals.

Nang tanungin kung anong sikreto sa big-laang pag-angat niya bilang simpleng rookie lamang mula sa Louisville, walang kakaiba sa kanyang sagot tulad ng mga pinakamagaga-ling na manlalaro ngayon.

“There’s no real secret. I just continued working every day. I was the first guy in the gym and the last guy to leave,” aniya.

Bunsod nito, napili si Mitchell bilang mi-yembro ng 2018 NBA All Rookie Team at final candidate para sa 2018 NBA Rookie of the Year kasama sina Ben Simmons ng Philadelpia at Jayson Tatum ng Boston. Siya rin ang tinanghal na 2018 Slam Dunk Champion.

Sa taong 21-anyos ay milyonaryo na agad bunsod ng NBA at Adidas contract, nagpaalala rin si Mitchell sa mga kapwa niya student-athletes na wag isaalang-alang ang edukasyon para lamang sa basketball na aniya’y hindi naman panghabambuhay.

 

Show comments