^

PM Sports

Phl women’s volleyball team ‘di bubuwagin kahit anong mangyari

Chris Co - Pang-masa
Phl women�s volleyball team �di bubuwagin kahit anong mangyari
Alyssa Valdez at Jaja Santiago

MANILA, Philippines — Hindi bubuwagin ng Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. ang women’s national team anuman ang maging resulta sa kampanya nito sa mga international tournaments na lalahukan ng tropa sa taong ito.

Pinangalanan ng LVPI ang national pool na binubuo ng 20 manlalaro kasunod ang pagtalaga ng 14 players na isasabak sa Asian Games sa Agosto sa Indonesia.

Sa national pool din kukuha ng ilalaban sa Asian Cup sa Setyembre sa Thailand.

Nais ng LVPI na ito na ang magsilbing pundasyon ng Pilipinas upang mapalakas ang pambansang koponan para sa mga susunod pang international competitions gaya ng Southeast Asian Games sa susunod na taon at iba pang invitational meets.

“We’re not just looking for our participation in the Asian Games, Asian Cup and the Southeast Asian Games. May plano ang LVPI na mas malalim kaya mas magandang intact ang team,” wika ni national team head coach Shaq Delos Santos.

Hahasain ang national pool sa pamamagitan ng pagpapadala sa mga ito sa mga international competitions dahil maraming imbitasyong natatanggap ang LVPI mula sa iba’t ibang bansa.“Mas maganda na naka-ready na agad ang team natin sakaling may invitations hindi tulad ng dati na saka lang tayo bubuo kapag nandiyan na ‘yung invitation,” ayon pa kay LVPI president Joey Romasanta.

Sa mga nakalipas na taon, karaniwan nang binubuwag ng national sports association ang national team matapos ang partisipasyon sa SEA Games ngunit ayaw na itong maulit ng LVPI.

Nilinaw rin ng LVPI na posible pang madagdagan ang national pool upang mas maging malawak ang pagpipilian ng coaching staff.

Sa kasalukuyan, pasok sa Final 14 sina Aby Maraño, Majoy Baron, Kim Kianna Dy, Cha Cruz, Dawn Macandili at Kim Fajardo ng F2 Logistics; Jaja Santiago at Dindin Santiago-Manabat ng Foton, Alyssa Valdez at Jia Morado ng Creamline; Mika Reyes at Ces Molina ng Petron; at sina reserves Rhea Dimaculangan ng Petron at Denden Lazaro ng Cocolife.

Nasa pool din sina Myla Pablo ng Pocari Sweat-Air Force, Mylene Paat ng Cignal, Maika Ortiz at Christine Joy Rosario ng Foton, at sina Rebecca Rivera at MJ Phillips ng Sta. Lucia Realty.

vuukle comment

ALYSSA VALDEZ

JAJA SANTIAGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with