Hinatawan ni Alyssa Layug ng Petro Gazz si Jovielyn Prado ng Tacloban.
PM photo ni Joey Mendoza
Gazz Angels sinunog ang Warays
Chris Co (Pang-masa) - June 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Full tank ang Petro Gazz nang mabilis na pataubin ang Tacloban, 25-15, 25-17, 25-21, pa­ra sa ka­nilang unang pa­nalo sa quarterfinals ng Premier Vol­ley­ball League Reinforced Con­­ference ka­ha­pon sa The Arena sa San Juan Ci­­ty.

Sa kabila ng malamig na panahon, nag-init nang husto si Ukrainian import Olena Lymareva-Flink nang humataw ng 22 puntos mula sa 15 attacks, anim na aces at isang block para dalhin ang Gazz Angels sa 1-1 rekord.

Maalab din ang pa­lad ni Anastasiia Trach na nagdagdag ng 11 puntos at umiskor ng pi­nagsamang 14 puntos si­na middle blockers Alyssa Layug at Cherry Rose Nunag para sa Gazz Angels laban sa Fighting Warays.

Nanganganib na ma­sibak ang wala pa ring pa­nalong Tacloban na lumasap ng ikalawang sunod na kabi­gu­an.

Tanging si Thai import Hyapha Amporn ang nagtala ng double di­gits sa hanay ng Figh­ting Warays nang ma­ka­likom ng 16 marka.

Nalimitahan sa pito si Jovielyn Prado at lima si Thai import Saeng­mu­ang Patcharee.

Sa men’s division, pi­­­nasuko naman ng Air Force ang Army, 25-23, 25-17, 27-29, 25-20.

 

GAZZ ANGELS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with