^
Tropang Texters niyupi ang Dyip
Si TNT Katropa import Josh Smith laban kay Andreas Kahilig ng Columbian.
PBA Images

Tropang Texters niyupi ang Dyip

Russell Cadayona (Pang-masa) - June 2, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tila naging ensayo la­mang para sa Tropang Tex­ters ang kanilang laro kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Inilampaso ng TNT Ka­tropa ang Columbian Dyip, 100-80, para ma­kisosyo sa liderato ng 2018 PBA Commissio­ner’s Cup.

Anim na players ang tumapos sa double-fi­gures sa pangunguna ng 21 points ni Troy Rosario para sa pang-limang pa­na­lo ng Tropang Texters.

Nagdagdag naman si Terrence Romeo ng 19 markers kasunod ang tig-11 points nina balik-import Josh Smith, Jericho Cruz, Kelly Williams at Don Trollano.

Naglaro lamang ang ma­lapad na si Smith, pu­malit kay Jeremy Tyler, sa loob ng 11 minuto.

Nalasap naman ng Dyip ang kanilang ikalawang sunod na kabiguan sa pitong laro.

Ipinoste ng TNT Ka­tropa ang 36-17 bentahe sa first period hanggang iwa­nan ang Dyip, nakahugot ng 34 points kay import John Fields, bitbit ang 72-40 kalamangan sa halftime.

 

TROPANG TEXTERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with