^

PM Sports

Le Tour Stage 1 nagkaaberya dahil sa trapik

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nadiskaril agad ang unang padyak ng mga kalahok na siklista nang ma-kansela ang Stage 1 ng 9th Le Tour de Filipinas kahapon bunsod ng mabigat na daloy ng trapiko sa kalagitnaan ng karera.

Wala pa sa kalahati ng 154.15 na kilometrong Stage 1 na ruta mula Quezon City hanggang Palayan City sa Nueva Ecija, sinalubong agad ang Le Tour entourage ang mahabang pila ng mga sasakyan bunsod ng biglaang water sewerage system repairs sa kahabaan ng Valenzuela at Bulacan.

Bunsod nito, nagkaroon ng limang neutralizations ang karera bago nga tuluyang maipit sa masikip na daloy ng trapiko sa 71.08-km mark sa Arayat, Pampanga kung saan nagdesisyon ang chief commissaire na si Louise Jones na itigil na ang karera para sa kapakanan ng mga siklista.

“The race was stopped for one reason: unmanageable traffic which was rather surprising on a Sunday morning. The organizers made several trips here, around four to five times, on a Sunday morning to test the traffic,” ani Elite National Commissaire Jun Lomibao. “But after five neutralizations, the chief commissaire (Louise Jones) decided to stop the race.”

Bago ang ‘abandonment’ ng karera, nagawa pang makalusot ng tatlong siklista na sina Cris Joven ng Xtreme Bike PH, Juan Barrios ng Team CCN at Jiung Jang ng Korail Cycling Team sa boundary ng Pampanga at Nueva Ecija upang makabuo ng breakaway group mula sa peloton na naiwan sa Arayat.

Kaysa manghinayang, pinili na lamang ni Joven ang isipin ang kapakanan ng kapwa siklista.

“Although may panghihinayang, naisip ko rin for safety ng mga kalaban. Kawawa naman eh nagagalit na dahil doon sa mga trapik. It’s part of the game. Okay lang ‘yun,” aniya sa nasayang na kalamangan sa Stage 1.

Hanggang sa pagsusulat ng balitang ito ay nasa pagpupulong pa ang race commissaires upang pagdesisyunan kung tuluyan na bang tatanggalin ang Stage 1 o magkakaroon na lamang ng identical times ang mga kalahok upang makumpleto pa rin ang apat na stages ng karera.

Sa gitna ng masaklap na simula, inaasahan naming mas magiging banayad ang takbo ng karera ngayong araw sa bulubundukin ng Cagayan Valley.

Lalarga ang 157.9-km na Stage 2 sa Cabanatuan City hanggang sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

vuukle comment

LE TOUR DE FILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with