^

PM Sports

MVP, SMC, PBA nagkaisa para sa Phl sports

Andrew Dimasalang - Pang-masa
MVP, SMC, PBA nagkaisa para sa Phl sports
Nasa larawan ang mga kinatawan ng MVP Group, SMC at PBA hawak ang mga tsekeng donasyon nila sa Philippine Olympic Committee.
PBA Image

MANILA, Philippines — Sa isang pambihirang pagkakataon ay nagkapit-bisig ang magkaribal na San Miguel Corporation at Manny V. Pangilinan Group kasama rin ang Philippine Basketball Association sa makasaysayan nilang hakbang upang suportahan ang Philippine Sports sa pangunguna ng Philippine Olympic Committee.

Tumataginting na P46 milyong kabuuan na donasyon ang ibinigay ng tatlong institusyon sa POC na nasa ilalim ng bagong pamumuno ni President Manny Vargas na nagkataon ding nagsisilbing Chairman ng PBA Board of Governors ngayon.

Idinaos ang turnover ceremony ng mga tseke kamakalawa ng gabi sa in between games ng 2018 PBA Commissioner’s Cup sa Mall of Asia Arena na pinangunahan nina Vargas, SMC Sports Director Al Francis Chua at PBA Commissioner Willie Marcial kasama rin ang ibang PBA Board of Governors.

Parehong tig-P20 milyon ang ibi-ngay ng SMC at MVP habang P6 milyon naman sa PBA na nagmula sa P500,000 donasyon ng kada-koponan ng liga na maaaring gamitin ng POC sa national athletes’ training at incentives lalo na’t malapit na ang Asian Games at Southeast Asian Games.

“I would like to thank with gratitude the PBA for their contribution and San Miguel Corporation and the MVPSF. These are all directed contribution towards athletes, towards NSAs for the program for Southeast Asia and Asian game,” ani Vargas na siya ring Governor ng Talk ‘N Text sa PBA. “Para sa atleta, para sa bayan, para sa programa.”

Ayon kay Marcial, inisyatibo ng buong PBA Board of Governors ang hakbang nilang tulungan ang mga atletang Pinoy sa pamamagitan ng POC matapos ang produktibo nilang pagpupulong noong nakaraang buwan sa Hong Kong.

Kakahalal lamang bilang pina-kabagong Pangulo ng Olympic body si Vargas ngayong taon at ang kanyang koneksyon sa PBA bilang chairman at governor ng TNT ang nagbigay daan sa makasaysayang pagkakapit-bisig ng mga naturang institusyon lalo na ng magkaribal na paksyong SMC at MVP groups sa PBA.

Ito aniya ang mismong dahilan kaya’t hindi naging mahirap para sa SMC ang pagtulong, ayon naman kay SMC Sports Director Chua na siya ring tumatayong governor ng Barangay Ginebra.

“Sa San Miguel naman kung saan kami makakatulong sa atleta. We’re supporting our president, our chairman, Mr. Ricky Vargas. My boss, Ramon S. Ang donated 20 million para makatulong sa atletang Pilipino,” aniya.

Sisiklab ang Asian Games sa Agosto 18 hanggang Setyembre 2 sa Indonesia habang ang Southeast Asian Games naman ay gaganapin dito sa bansa sa susunod na taon.

vuukle comment

MANNY V. PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with