Bowling sa PSA Forum

MANILA, Philippines — Ang estado ng bow­ling sa bansa ang pag-uusapan sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum nga­yon sa Tapa King Restaurant sa Farmer Plaza sa Cubao.

Sina dating World Cup champions Bong Coo, Biboy Rivera at Pa­eng Nepomuceno ang bibisita sa lingguhang sesyon na magsisimula sa alas-10:30 ng umaga..

Ilalahad ng tatlong Philippine Bowling Fe­de­ration (PBF) officials ang pamamahala sa Phi­lippine International Open na nakatakda sa Abril 28 hanggang Ma­yo 13 sa Starmall sa Man­daluyong.

Si Coo ang tumatayong team ma­nager ng Philippine bow­ling team.

 

Show comments