Romeo haharap sa dati niyang team

MANILA, Philippines – Sa unang pagkaka-taon ay makakaharap ni Terrence Romeo ang dati niyang backcourt partner na si Stanley Pringle.

Lalabanan ni Romeo at ng TNT Katropa si Pringle at ang Globalport ngayong alas-6:45 ng gabi sa pagbubukas ng 2018 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Ibinigay ng Batang Pier si Romeo kasama si center Yousef Taha sa Tropang Texters kapalit ni 2015 No.1 overall pick Moala Tautuaa at ang first round pick at second round pick sa 2020 at 2021 PBA Draft, ayon sa pagkakasunod.

Matatandaang nagkaroon ng sigawan sina Romeo at coach Pido Ja-rencio sa isang quarterfinals game ng Globalport laban sa Magnolia sa nakaraang 2018 PBA Philippine Cup.

Naglaro lamang si Romeo sa huling dalawang asignatura ng Batang Pier sa 2018 Bukod kay Romeo, ipaparada din ng TNT Katropa sina Jayson Castro, Roger Pogoy, Troy Rosario, Jericho Cruz at Kelly Williams.

“For sure, malaking tulong si Terrence sa amin, alam naman natin kung anong kaya niyang gawin,” sabi ni Castro sa three-time scoring champion na si Romeo na kasangga niya sa Gilas Pilipinas.

Sa unang laro sa alas-4:30 ng hapon ay maghaharap ang Blackwater at Columbian Dyip na da-ting Kia.

Kakampanya para sa Elite si Jarrid Famous, dating naglaro para sa Batang Pier noong 2015, katapat si CJ Aiken ng Columbian Dyip.

“I’m going to take shots that I know I’m capable of making,” ani Famous.

Show comments