^

PM Sports

Petron iginupo ang Smart

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagulat man ang top seed Petron Blaze sa ipinakitang laro ng No. 8 seed Smart Prepaid, nagawa pa rin nilang lampasan ang hamon sa pamamagitan ng 25-22, 22-25, 25-18, 26-24 panalo kahapon sa simula ng second round elimination ng 2018 Chooks to Go-Philippine Superliga Grand Prix sa Baliwag Sports Center, Baliwag, Bulacan.

Akala ng marami ay tapos na ang laban pagkaraang makuha ng Petron Blaze Spikers ang unang set, 25-22, sa loob ng 26 minutos pero nabig-la ang tropa ni coach Shaq De Los Santos matapos magpamalas ang Cuban import ng walong atake at dalawang aces para angkinin ang ikalawang set, 22-25.

“Nagulat talaga kami sa nilalaro ni Gyselle (Silva) kaya naging hamon na rin namin na pigilin namin siya. It’s a good work for the team dahil nanalo pa rin kami,” sabi ni Mika Reyes.

Dahil wala pa rin ang ikalawang import na si Hillary Hurley dahil sa injury, nag tulung-tulong na ang buong tropa ni De Los Santos para pigilin ang paghataw ni Silva.

Sa kanilang ika-walong sunod na talo, nasayang ang kabuuang 38 puntos ni Silva kabilang na ang 31 atake, limang aces at dalawang blocks.(FCagape)

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with