^

PM Sports

Cavs inilampaso ang Phoenix

Pang-masa

CLEVELAND -- Umiskor si LeBron James ng 27 points at nag-ambag si Kevin Love ng 20 markers para tulungan ang Cavaliers sa 120-95 paglampaso sa Phoenix Suns.

Ipinalasap ng Cleveland ang pang-10 sunod na kamalasan ng Phoenix.

Nagdagdag si James ng 9 assists at 6 rebounds bago ipahinga sa fourth period para sa Cavaliers na tinanggap ang pagbabalik sa line-up nina forwards Tristan Thompson, Larry Nance Jr. at Rodney Hood mula sa injury.

Naglaro ang Suns na wala sina top two scorers Devin Booker (right hand sprain) at T.J. Warren (left knee inflammation).

Nagtala si Troy Da-niels ng 20 points, habang may 19 markers si Marquese Chriss para banderahan ang Phoenix.

Sa Washington, may tsansa pa ang Denver Nuggets para sa isa sa dalawang huling tiket sa NBA Playoffs.

Tumapos sina Nikola Jokic at Jamal Murray na may tig-25 points para pangunahan ang Nuggets sa 108-100 paggupo sa Wizards. Nagdagdag si Will Baton ng 23 markers na tinampukan ng limang three-point shots para sa Denver.

Ang panalo ng Nuggets ang nagpalakas sa kanilang pag-asa para sa isa sa dalawang huling playoff spots sa Western Conference. May natitira pang siyam na laro ang Denver.

Ang one-two punch nina Jokic at Murray bukod sa outside shooting ni Barton ang bumandera sa Nuggets matapos umarangkada ang Wizards sa third quarter.

Pinamunuan ni Bradley Beal ang Washington, pumukol ng pitong triples sa third period, mula sa kanyang 24 points.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with