^

PM Sports

SMB-alab naghahabol sa outright semis

Pang-masa

MANILA, Philippines — Hangad ng San Miguel-Alab Pilipinas ang pang-14th panalo sa kanilang muling paghaharap laban sa CLS Knights Indonesia ngayon sa  8th ASEAN Basketball League (ABL) sa Sta. Rosa Sports Complex sa Sta. Rosa, Laguna.

Kahit  lagas ang line-up bunga ng injury, paborito pa rin ang tropa ni head coach Jimmy Alapag na magwagi sa kanilang ikalawang paghaharap ng Indonesian team sa alas-8 ng gabi.

Bukod kay Josh Urbiztondo at Robbie Celez na hindi nakalaro sa una nilang paghaharap sa CLS Knights dahil sa injury, naidagdag si Renaldo Balkman sa listahan ng mga may injury bunga ng kanyang natamong high ankle sprain noong Miyerkules kung saan nakalaro lamang ang Puerto Rican 6’8 import ng mahigit 19 minuto.

Ito na ang kanilang huling araw sa elimination round at nais nilang maulit ang 84-67 panalo noong Miyerkules sa Caloocan City Sports Complex.

Kung mananalo ulit ang Alab Pilipinas, makakatabla sila sa Mono Vampire sa parehong 14-6 card at aangat sila sa pangatlong puwesto dahil tinalo nila ng dalawang beses ang Thailand team.

Asam din ni Alapag na manalo kontra sa CLS Knights para manatiling buhay ang pag-asang dumiretso sa semifinal round ngunit ang kapalarang ‘yun ay hindi na nila hawak dahil depende ito sa resulta ng huling laro ng Chong Son Kungfu at Hong Kong Eastern Lions na gaganapin sa Miyerkules sa Southorn Stadium sa Wan Chai, China.

Dahil sa depleted roster, hinikayat ni coach Alapag na mag-step up sina Rico Maierhofer, Dondon Hontiveros, Lawrence Domingo, Pao Javelona at Pamboy Raymundo.

Sa nakaraang laro, umiskor si Bobby Ray Parks Jr. ng 21 puntos, limang rebounds at dalawang assists at si Justin Brownlee naman ay umani ng 15 puntos, limang assists at dalawang blocks.

Itatapat naman ng CLS Knights sina dating PBA import Brian Williams, Keith Jensen, Shane Edwards, Mario Wuysang at Frederick Lish. (FCagape)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with