^

PM Sports

SMB-Alab may pag-asa pa sa out-right semis

Pang-masa

MANILA, Philippines — Kahit may mga problema sa mga players na may injury, naging matatag pa rin ang San Miguel-Alab Pilipinas upang patumbahin ang CLS Knights Indonesia, 84-67  at manatiling buhay ang pag-asa sa outright semis berth sa pagpapatuloy ng 8th ASEAN Basketball League (ABL) noong Miyerkules ng gabi sa Caloocan Sports Complex sa Caloocan City.

Hindi pa nakalaro sina Josh Urbiztondo at Robbie Celez dahil sa injury at ang masaklap ay naidagdag pa sa listahan si Renaldo Balkman matapos sa high ankle sprain sa kalagitnaan ng ikalawang yugto.

Kahit si Pao Javelona ay nagkaroon din ng ankle injury, ilang minuto lang ang agwat kay Balkman ngunit nakabalik pa ito at naglaro ulit sa final half.

Ang Puerto Rican import na si Balkman ay hindi pa sigurado kung makakalaro sa muling paghaharap sa CLS Knights Indonesia sa huling schedule ng Alab sa elimination round  sa Linggo sa Sta. Rosa Sports Complex.

“As far as we know, it’s just a high ankle sprain. We will know tomorrow. But he is a tough guy, I’m sure he’ll be alright,” sabi ni Alab coach Jimmy Alapag.

Dahil sa panalo, nanatiling malakas ang kapit ng tropa ni coach Alapag sa pang-apat na puwesto sa 13-6 win-loss kartada sa likuran ng nangungunang Chong Son Kungfu (14-5), Hongkong Eastern Lions (12-5) at ikatlong Mono Vampire Thailand (14-6).

Ang Mono Vampire ay nanatili rin sa ikatlong puwesto matapos magwagi sa Westport Malaysia Dragons, 108-102 noong Miyerkules ng gabi rin sa MABA Stadium sa Kuala Lumpur, Malaysia upang masungkit ang pang-14th panalo sa 20 laro.

Sa pagkawala ni Balkman, nagtulung-tulong sina Bobby Parks Jr. at Lawrence Domingo upang maukit ang pinakamalaking kalamangan, 71-47 sa three-point play ni Justin Brownlee mahigit 1:02 minuto ang nalalabi sa ikatlong yugto. (FCagape)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with