F2 Logistics kakapit sa 2nd

IMUS CITY, Philippines — Nais ng F2 Logistics na humigpit ang kapit sa solo second spot sa pagharap sa Sta. Lucia Realty sa Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix ngayon sa Imus Sports Center dito.

Alas-7:00 ng gabi ang kanilang sagupaan kung saan hangad ng Cargo Movers ang kanilang ikatlong panalo sa pang-apat na laban.

Maghaharap naman ang Generika-Ayala at Smart,sa agawan sa unang panalo sa sagupaan ng mga winless teams sa alas-4:15  ng hapon.

Nananatili ang Petron sa taas ng team standings sa taglay na 6-0 win-loss record at malayong second ang F2 Logistics sa taglay na 2-1, record.

Matapos manalo sa kanilang opening game, natalo ang Cargo Movers sa Blaze Spikers sa apat na sets sa labang nagsilbing rematch ng kanilang  best-of-three finals showdown noong nakaraang taon.

Show comments