Pacquiao-Alvarado fight ‘di tuloy
Russell Cadayona (Pang-masa) - March 3, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Noong nakaraang buwan pa inihayag ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang non-title fight nina Manny Pacquiao at dating Mexican world light welterweight titlist Mike Alvarado sa Abril.

Ngunit kamakalawa ay sinabi ng kampo ng Filipino world eight-division champion na hindi na ito matutuloy.

Sinabi ni Aquiles Zonio, ang tumatayong media relations officer ni Pacquiao, na hindi nagustuhan ng 39-anyos na Filipino boxing legend ang pagi-ging undercard ng laban niya kay Alvarado sa title defense ni Australian Jeff Horn kontra kay American mandatory challenger Terence Crawford sa Abril 14 sa Mandalay Bay sa Las Vegas, Nevada.

Para sa Senador, ma-laking kabastusan para sa kanyang pangalan ang pagiging suporta sa laban ni Horn kay Crawford.

Matatandaang tinalo ni Horn (18-0-1, 11 KOs) si Pacquiao (59-7-2, 38 KOs) via unanimous decision para agawin kay ‘Pacman’ ang kanyang suot na World Boxing Organization welterweight title noong Hulyo 2 sa Brisbane, Australia.

Ang nasabing korona ang siyang idedepensa ni Horn kontra kay Crawford (32-0-0, 23 KOs).

Plano ni Arum na ilaban si Pacquiao, kung mananalo kay Alvarado, sa mananaig sa suntukan nina Horn at Crawford para sa WBO belt.

Ihahayag ni Pacquiao sa susunod na linggo ang kanyang gustong labanan, habang maiiwan naman sa ere si Alvarado (38-4-0, 26 KOs) na lumalaban din para sa Top Rank ni Arum.

Nauna nang sinabi ni Pacquiao na mas gusto niyang makatapat si WBA titlist Lucas Matthysse (39-4-0, 36 KOs) ng Argentina, nasa Golden Boy Promotions ni Oscar De La Hoya na karibal ng Top Rank.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with