^

PM Sports

Pangalusian island, PCSO Freedom Cup

Pang-masa

MANILA, Philippines — Matinding pagpaparemate ang ginawa ni jockey Mark A. Alvarez sa kabayong Pangalusian Island para magkampeon sa ginanap na 2018 PCSO Freedom Cup sa Santa Ana Park kahapon.

Sa pagbukas ng aparato ay nasa hulihang bahagi ang Pangalusian Island samantalang ang dalawang paboritong Salt And Pepper na dinala ni Pat R. Dilema at Manda na ginabayan ni Jonathan B. Hernandez ay maagang nagtagisan ng husay at bilis.

Sa halos malaking bahagi ng karerang tinahak sa distansiyang 1,600 meters ay ang Salt And Pepper at Manda lamang ang magkasabayang tumatakbo samantalang nasa likuran nila at naghihintay ng pagkakataon ang isa pang coupled runner na Shining Vic na sinakyan ni Mark M. Gonzales.

Sa puntong ito, ay kulelat pa rin ang eventual winner na si Pangalusian Island na animo’y hindi na magwawagi dahil sa laki ng agwat ng mga nasa unahan niya.

Sa pagsapit sa huling 400 metro ay magkakalapit na ang distansiya ng nangungunang Salt And Pepper, Manda at Brilliance na noon din ay malakas na pinareremate ni Kelvin B. Abobo pati na rin ang coupled entry na Shining Vic.

Sa likuan ay nagpakita pa ng pagbibo ang Salt And Pepper na ayaw pang ibigay ang unahan sa mga nagsisihabol sa kanya.

Mula sa likuran ay malakas na ang pagtawag ng announcer sa kabayong Pangalusian Island na nananagasa sa may kalabasan ng rekta.

Bago sumapit ang meta ay nakalagpas na ang Pangalusian Island na dahil sa matindi pagremate nito.

Nakaungos ang Manda sa segundo puwesto at pangatlo lang ang nagdala ng trangko na  Salt And Pepper.

Nanalo pa ng may dalawang horselenght ang panlaban ni Wilbert C. Tan na Pangalusian Island na nangahulugang ng P800,000 unang premyo na kaloob ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Ang kinukundisyong kabayo ni Arthur C. Sagun ay nagrehistro ng tiyempong 1:41-2/5 sa distansiyang 1,600 meters. JMacaraig

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with