La Salle nilusutan ang Ateneo sa women’s football

MANILA, Philippines — Tinakasan ng De La Salle University ang ka­ribal na Ateneo De Ma­nila University, 1-0, pa­ra tapusin ang first round ng UAAP Season 80 women’s football tournament sa Rizal Memorial Stadium kaha­pon.

Isinalpak ni Alexi Ar­rieta ang spot kick sa pang-38 minuto na si­yang naging winning score ng Lady Archers laban sa Lady Eagles.

Sumosyo ang De La Salle sa University of Santo Tomas sa magka­tulad nilang 9.0 points.

Samantala, umiskor si Aloha Bejic ng goal para igiya ang Far Eas­tern University sa 2-1 panalo laban sa University of the Philippines pa­ra sa kanilang ikalawang panalo.

Itinala ng Lady Ta­ma­raws ang 7.0 points.

Nakumpleto ni Cristina Delos Reyes ang pang-12 minutong pe­nal­ty para sa Lady Maroons.

Show comments