Pacquiao susubukan si Matthysse
Russell Cadayona (Pang-masa) - February 4, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang Argentinean superstar ang gustong subukan si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.

Matapos umiskor ng eight round TKO (Technical Knockout) laban kay Tewa Kiram sa The Forum sa Los Angeles noong Linggo ay nagpahayag si Lucas Matthysse, inangkin ang ‘regular’ version ng World Boxing Association welterweight title, ng interes na sagupain si Pacquiao.

Hindi naman ito binalewala ni Hall of Fame trainer Freddie Roach.

“I think it’s a great fight, two guys who are a little bit older and not as big of punchers as they once were but it’s a very good action-packed fight,” wika ni Roach sa panayam ng BoxingScene.com.

Hanggang ngayon ay wala pang pinal na pahayag si Bob Arum ng Top Rank Promotions para sa laban ni Pacquiao sa Abril.

Huling lumaban si Pacquiao (59-7-2, 38 KOs) noong Hulyo 2 kung saan siya natalo ni Jeff Horn via unanimous decision at nahubaran ng suot na World Boxing Organization welterweight crown sa Brisbane, Australia.

Sinasabing maaaring labanan ng 39-anyos na si Pacquiao ang 37-anyos na si dating Mexican world light welterweight titlist Mike Alvarado sa Abril.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with