Bigatin ang planong ilaban ni Arum kay Pacquiao
Russell Cadayona (Pang-masa) - January 4, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa inaasahang pagbabalik ni Manny Pacquiao sa ibabaw ng boxing ring sa Abril ay matinding kalaban ang kanyang haharapin.

Ito ang plano ni Bob Arum ng Top Rank Promotions para sa Filipino world-eight division champion na huling lumaban noong Hulyo 2 kung saan naisuko niya ang suot na World Boxing Organization welterweight crown laban kay Jeff Horn sa Brisbane, Australia.

“I think we’ll give him a fight against a top welterweight where we are confident, or hope, that he will be successful,” wika ni Arum kay Pacquiao (59-7-2, 38 KOs) na ilalaban naman niya sa mananalo sa championship fight nina Horn (18-0-1, 12 KOs) at Terence Crawford (32-0-0, 23 KOs).

“And then have him fight the Horn-Crawford winner in the fall,” dagdag pa ng veteran promoter.

Bagama’t may rematch clause sa kanilang fight contract ay hindi ito ginamit ng 39-anyos na si Pacquiao dahil sa Australia lamang dapat gawin ang kanilang rematch ng 29-anyos na si Horn.

Matagumpay na naidepensa ni Horn ang kanyang WBO welterweight belt laban kay British challenger Gary Concoran noong nakaraang buwan sa Brisbane.

Gusto ni Arum na gawin ang ikalawang title defense ni Horn laban kay Crawford sa Abril 21 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

Kung sino ang mananalo ay siyang hahamunin naman ni Pacquiao sa Nobyembre.

“Manny Pacquiao’s plan revolves so much around the politics, how much he’s needed by the President. I would like for him to come back in April. I’m working on that. Whether or not I can accomplish that I don’t know, we’ll see,” sabi ni Arum.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with