Standhardinger nagpasikat

MANILA, Philippines — Ipinakita ni Fil-German Christian Standhar­dinger ang ka­ya niyang gawin kapag naglaro na si­ya sa Philippine Basketball Association.

Humakot ang 6-foot-8 na si Standhardinger ng 26 points at 14 rebounds pa­ra banderahan ang nagdedepensang Hong Kong Eastern sa 92-89 panalo la­ban sa Alab Pilipinas sa pagbubukas ng ASEAN Basketball League noong Linggo ng gabi sa MOA Arena sa Pasay City.

Ang 28-anyos na sen­tro ang pinili ng San Miguel bilang No. 1 overall pick sa nakaraang 2017 PBA Rookie Draft.

Inaasahang sa Abril ng 2018 pa siya magla­laro para sa Beermen dahil sa nauna niyang nilagdaang six-month contract para sa Hong Kong Eas­tern.

Diniskaril din ni Stand­hardinger ang coa­ching debut ni Jimmy Alapag sa Alab Pilipinas.

Tinalo naman ng CLS Knights ng Indonesia ang Formosa Drea­mers ng Chinese-Taipei, 94-73, at iginupo ng Kung Kung-fu Nahai ng China ang Singapore Sli­ngers, 83-59.

HONG KONG EAS­TERN 92 - Standhardinger 26, Elliott 25, Lamb 23, Moss 10, Xu 4, Lee 2, Tang 2, Wu 0, Lau 0.

Tanduay Alab Pilipinas 89 - Okosa 28, Parks 17, Johnson 17, Urbiztondo 14, Sumalinog 9, Domingo 2, Maierhofer 2, Raymundo 0, Celiz 0, Javelona 0, Hontiveros 0.

Quarterscores: 24-18; 54-43; 73-68; 92-89.

Show comments