NU Lady Bulldogs diretso sa No. 13 win

MANILA, Philippines — Walang naging prob­lema pa­ra sa ‘four-peat’ seeking na Natio­nal Uni­versity kahit wala si coach Patrick Aquino.

Pinatumba ng Lady Bulldogs ang University of the Philippines Lady Maroons, 76-35, sa UA­AP Season 80 women’s basketball tournament ka­hapon sa Smart Ara­ne­ta Coliseum.

Napatawan si Aquino ng one-game suspen­sion matapos mapatalsik sa panalo ng NU la­ban sa Ateneo.

“It was a good win for us. We took this game para mag-improve ka­mi. We did not take UP lightly kahit ‘yung standings nila nasa bottom. I told them hin­di iyan talaga ‘yung strength nila. I just reminded the girls to take care of business today,” sa­bi ni assistant coach Aries Dimaunahan.

Pinangunahan ni Je-Anne Camelo ang pana­lo ng Lady Bulldogs mula sa kanyang 14 pun­tos kasunod ang 13 at 12 marka nina ‘twin towers’  Jack Animam at Rhena Itesi, ayon sa pagkakasunod.

Ito ang ika-13 sunod na panalo ng NU nga­yong season at pang-60 sa kabuuan.

“That’s part of this game na in preparation for this homestretch. Ka­i­langan naming ga­win kung ano ang dapat. Ang kailangan naming gawin in this game prior towards doon sa homestretch. I think we did a good job playing today and hopefully ma­dala namin ‘yun sa play­offs,” dagdag pa ni Di­maunahan.

Ito naman ang ika-13 sunod na kabiguan ng Lady Maroons.

Show comments