Languido, Miranda sa Davao Leg

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Ri­cheel Languido at Jude­lyn Miranda ang men at women’s division ng 21K half marathon, ayon sa pagkakasunod para sa Davao leg ng  41st National MILO Marathon.

Naorasan si Languindo ng tiyempong 1:15:14 para talunin ang dikit na kalabang si Michale Echalieco (1:18:29) at Arnie Macaneras (1:20:19).

Pinamunuan naman ni Miranda ang female di­vision, sa oras na 1:32:07 kasunod si Vi­vian Avegonzado (1:41:38) at Lalaine Payricio (1:42:22).

Makakasama nina La­nguindo at Miranda ang iba pang nag-qualify sa Na­tional Finals na gaganapin sa Cebu City sa December 3 para pagla­banan ang titulong Milo Marathon King and Queen.

Tinatayang 10,000 runners ang nakatawid ng finish line. Pinangunahan ng mga training directors ng Philippine Olympic Committee at celebrity trai­ning coaches na sina Jim at Tony Saret ang pre-race warm up sessions para sa elite athletes at category runners, ayon sa pagkakasunod.

Show comments