Pacquiao tatanggap ng $10-M sa pakikipagtuos kay Horn
MANILA, Philippines - Ang mensahe ni Australian challenger Jeff Horn kay Filipino boxing icon Manny Pacquiao ay may pagyayabang.
Inaasahang darating ang Team Pacquiao sa Brisbane, Australia bukas ng gabi at gusto ni Horn na maayos na maka-pagpahinga ang Filipi-no world eight-division champion.
“He’s arriving on Sa-turday and my message to him is relax and enjoy your stay in Brisbane because on July 2 I’m taking your world title,’’ sabi ni Horn kay Pacquiao sa panayam ng The Courier-Mail.
Sa pagdedepensa ni Pacquiao (59-6-2, 38 knockouts) ng kanyang bitbit na World Boxing Organization welterweight crown laban kay Horn (16-0-1, 11 KOs) ay tatanggap siya ng $10 milyon.
Ito ay 20 beses na mas malaki sa makukuha ng dating school teacher sa Brisbane.
Ngunit hindi mahala-ga para kay Horn ang premyo, kundi ang makasabayan ang pinakamahusay na boksingero sa kasalukuyang heneras-yon.
“He’s one of the grea-test boxers in history and people in Australia have supported the fight because of his name and the chance to see an Aussie against him,” wika ni Horn kay Pacquiao.
Naniniwala si Horn na hihirangin siyang ba-gong WBO welterweight king sa pagtatapos ng kanilang upakan ni Pacquiao.
“But I believe this is the start of a new era in boxing and a changing of the guard,” dagdag pa ni-to.
- Latest