Ateneo, FEU agawan sa UAAP football title

MANILA, Philippines - Itotodo na lahat ng Ateneo at Far Eastern sa kanilang paghaharap para sa UAAP Season 79 men’s football one-game finals sa Rizal Memorial Stadium sa alas-3:00 ng hapon.

Hangad naman ng La Salle na makumpleto ang perfect season sa women’s championship match laban sa University of Santo Tomas sa alas-6:00 ng gabi.

Inasahan nang makakarating ang Eagles sa finals habang kinaila-ngan munang aralin ng Tamaraws ang sistema ni coach Vince Santos para makarating sa finals matapos mawala ng isang taon.

Sa semifinals, nilusutan ng Ateneo ang University of Santo Tomas, 2-1 habang tinapos ng FEU ang paghahari ng University of the Philippines sa parehong score noong Huwebes.

“Yun ang mga team na hindi mo sila dapat i-underestimate sa UAAP. Marami silang key players,” sabi ni Eagles coach JP Merida ukol sa Tamaraws.

Tangka ang pang-11 titulo, sasandalan pa rin ng FEU si Paolo Bugas katulong sina goalscorers Rico Andes, Alex Rayos, Audie Menzie, Val Jurao at keeper Ray Joyel.

Hangad naman ng Ateneo ang ikapito nilang korona.

Show comments