Star sa q’finals na
Russell Cadayona (Pang-masa) - May 7, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Kasabay ng pagdiretso sa kanilang ikalawang sunod na panalo ay pinitas ng Star ang ikatlong tiket sa quarterfinal round ng 2017 PBA Commissioner’s Cup.

Sinandigan ng Hotshots ng tinaguriang ‘Lethal Weapon’ para takasan ang nagdedepensang Rain or Shine Elasto Painters, 99-93 at kunin ang ikaa-nim na panalo kagabi sa Batangas City Coliseum.

Tumapos si combo guard Paul Lee na may 23 points, 5 assists at 4 rebounds para banderahan ang Star, na makakasama ang Meralco at TNT Ka-tropa sa eight-team quarterfinals cast.

Ito naman ang ikalawang dikit na kamalasan ng Rain or Shine para sa kanilang 4-4 kartada.

Matapos itabla ni Jeff Chan ang Elasto Painters sa 90-90 mula sa kanyang da-lawang free throws sa 2:55 minuto ng fourth quarter ay nagsalpak naman si Lee ng isang fade away jumper kasunod ang bank shot ni Rafi Reavies at dumadagundong na slam dunk ni import Tony Micthell.

Ang nasabing dunk ni Mitchell ang nagpababa sa backboard kaya natigil ang laro, may 1:44 minuto na lang.

Kinumpleto ni Mit-chell, nagtala ng 21 markers, ang kanyang three-point play para sa 97-90 kalamangan ng Hotshots at sel-yuhan ang kanilang panalo sa Elasto Painters.

Samantala, nakatakdang iretiro ng Alaska ang No. 30 jersey ni power forward Eric Menk sa kanilang pagsagupa sa Barangay Ginebra ngayong alas-6:45 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

STAR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with