Tuloy ang pangarap na oLympics ni Coach Rio
BALL FACTOR - Mae Balbuena (Pang-masa) - May 1, 2017 - 12:00am

Pinangarap ng running coach na si Rio dela Cruz, kilala sa kanyang mga world-class races at marathons at kinokonsiderang maestro of running events, na lumaban sa Olympics.

Ngunit dahil walang pinansiyal na kakayahan, noon hindi na niya na-pursue ang pangarap na ito.

Ngayong marami na siyang puwedeng kuning sponsors, lipas na ang pagkakataong makarating sa Olympics sa kanyang edad na 35.

Kung hindi man niya naabot ang Olympics, isa sa kanyang misyon ay makatulong sa Pilipinas na manalo ng gold sa athletics bukod sa kanyang adbokasiyang tulungan ang mga Pinoy na maging healthy sa pamamagitan ng pagtakbo.

“I made it my mission to help the Philippines to have its first Olympic gold medalists,” sabi ni coach Rio sa kanyang speech sa paglulunsad ng RunRio Trilogy Race Series 2017 sa Okada Manila noong Lunes. “Now I can guide our potential runners to fulfill my dreams, and their dreams.”

Hindi pa rin isinusuko nin coach Rio ang kanyang pangarap. Hindi man niya ito personal na magawa ay nais niyang makita ito sa iba.

Sa katunayan, nagtungo si coach Rio, kasalukuyang coach ng track and field team ng University of the Philippines sa Antique sa katatapos lamang na Palarong Pambansa para mag-scout ng potential athlete para sa UP Maroons.

Nais niyang makahanap ng matatangkad na runner na puwede niyang itrain at i-guide tungo sa tagumpay.

Binibigyan din ni Coach Rio ng importansiya ang edukasyon kaya naman ang kanyang mare-recruit sa kanyang team ay magkakaroon ng  scholarships sa UP.

“Once you get the education and you have the passion for running, you have a chance because we don’t need height unlike other sports like basketball,” sabi ni Dela Cruz. “You’re running as an individual so it’s really about heart.”

Nais magtayo ni Coach Rio ng Run Rio Track and Field Foundation kung saan niya ide-develop ang mga potential Olympians.

RIO DELA CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with